Poseur
ni Sinag Tala

(pou-zér), <noun> person pretends to be what he is not, out of affectation, insincerity, or silliness [F].

Narinig ninyo na ba ang balita? Meron nang bagong magasin para sa ating mga Atenista! Tiyak na patok na patok sa lahat! Tara, magtampisaw tayo sa bago nating lubluban!

Ang Lublob, sabi nila, ang magasing magpapakita ng TOTOONG buhay ng Atenista. Kapag pinag-uusapan ang buhay-Atenista, hindi maiiwasang banggitin ang pinakabagong uso. Ang pinaka-usong gimik, mall, damit-you name it, we've got it. Balita ko, kahit wala pa silang kawani, meron na silang napiling mga modelo upang mag pose (siyempre mga Atenista rin) para sa fashion section ng kanilang unang isyu. Sigurado akong kapag lumabas ang unang isyu ng Lublob, isusuot ng lahat ng Atenista ang eksaktong kapareho ng mga suot ng mga modelo sa magasin. Bakit ako nakasisigurado? Aba, Atenista kaya ako, at importante sa aming mga Atenista ang magsuot ng pinaka-uso, pinaka-mamahalin, at pinaka-cool. Excuse me, hindi kami jologs, ha.

Hindi talaga ako nagtataka na ang mga nagsimula ng Lublob ang crème de la crème ng kasosyalan sa Ateneo. Hangang-hanga ako sa napaka-orhinal nilang ideya! Ano? Gaya-gaya lang ang Lublob sa ibang magasin? Talaga? Sa Chalk? Sa seventeen? Sa mag ng UA&P? Hindi kaya! Hindi mababaw ang mga Atenista. Hindi kami gaya-gaya.

Abangan natin lahat ang bagong Lublob. Mag-eenjoy tayo sa kakabasa ng fashion advice at makeovers. Kailangan nga iyan ng lahat ng Atenista! Walang aral-aral dito. Pumasok ako sa Ateneo para makipag-sosyalan, hindi para mag-aral! Well, that's what my friends told me.

Ay, teka, iwanan muna kita, ha? Punta muna ako ng CR, I have to retouch my make-up eh.

(kakabalik lang mula sa CR)

I almost forgot! Punta ka sa GA ng Lublob! Actually, it's more than just a GA. It's a PARTY! Sigurado ako-magugustuhan mo talaga siya. Sobrang ganda ng venue namin, complete with the coolest sounds. Tipong party of the year. Excited na ako! Sa Friday na kasi eh. Kaya lang, I don't know what to wear. Help me naman o, my crush is gonna be there kasi. Gotta look my best, y'know. And, its sooooo nakakahiya if I don't wear the right clothes. Sooo nakakahiya.

Basta, read Lublob, 'k? Sobrang magugustahan mo. As in. Sige, magsho-shopping pa ako sa Power Plant. Gimik tayo bukas! Bye!

- Sinag Tala