Ecola: Ang Allowance na Hindi
ni Rhudilyn April Raimundo at Jose Leonardo Sabilano

Matagal nang daing ng mga manggagawa ang kakulangan ng kanilang sinasahod. Habang ang kailangang salapi upang mamuhay nang pang-araw-araw ay P510 (Daily Cost of Living), wala pa sa kalahati nito ang ibinibigay na minimum wage na P250, na natatanggap ng karamihan ng mga trabahador. Kaya naman matagal na silang humihingi ng karagdagang sahod na P125. Maaaring kulang pa nga upang umabot sa Daily Cost of Living, ngunit substansyal pa rin.

Bilang tugon sa hinihingi ng mga manggagawa, nagpahayag ang wage board ng malawakang pagtataas ng minimum na sweldo ng tatiumpung piso (P30), na tunay namang mababa sa hinahangad na dagdag. Hindi tuloy mapigilpigilan ang paghihimutok ng mga manggagawa sa buong bansa.

Kahit kendi, hindi mabibili

Ayon sa batas na ipinasa, ang mga manggagawang nakatatanggap lamang ng di-hihigit sa P290 na sweldo kada araw ang mabibigyan ng dagdag na treinta-pesos. Kaya kung P291 ang sweldo niya (na hindi pa rin nalalayo sa kasalukuyang minimum wage na P250), kailangan niyang pagtiyagaan ang ganitong halaga lamang.

At siyempre, hindi naman porke sinabi na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) na kailangang ipatupad ang 30 pisong dagdag ay kaagad na susunod ang mga kumpanya. Wala pang isang linggo makalipas gumawa ng anunsiyo ang RTWPB, napakarami nang kumpanyang humingi ng exemption upang hindi masali sa pagbibigay ng nasabing alloworxe. Higit sa kalahati nito'y maituturing na mga malalaking kumpanya. Dagdag pa rito, para sa mga kumpanyang humingi ng exemption, pwede na nilang pansamantalang kalimutan ang karagdagang sahod para sa mga kanilang empleyado hangga't mapatunayang wala palang tunay na basehan ang apela para sa exemption. Pero huwag naman daw mag-alala, ang sabi ng pamahalaan, dahil sa oras na mapatunayang walang basehan ang apela ng kumpanya, obligado itong ibigay sa empleyado nito ang karagdagang sweldo na may tubo - isang porsiyentong interes kada araw. Sa madaling salita ang 30 pesos na hindi agad naibigay sa iyo ay kikita ng 30 sentimo kada araw, na kung kokompyutin ay aabot sa kaunti lang ang sobra sa pitong piso.

Suriin ang puntong ito. Sa pananaw ng mga kapitatista, maaaring mag-apply na lamang ang kahit na anong kumpanya para sa exemption kahit alam nilang hindi naman sila papasa dito upang kahit paano ay pansamantala silang makaiwas sa dagdag na sahod. Maaari pa nilang paikutin ang perang ito upang kumita ng higit na mas malaki sa isang porsiyento. Kahit nga patulugin lamang nila ang pera sa bangko ay kikita sila ng higit sa isang porsiyento.

Sino nga ba ang pwedeng magpaliban sa pagtataas ng sahod? Kasama dito ang mga kumpanyang hindi himihigit ang bilang ng empleyado sa sampu at mga kumpanya at samahang nalulugi ng hindi kukulang sa 20% ng puhunan ngayong taon. Kaya naman hindi masasabing malulugi ang mga maliliit na kumpanya.

Hindi pa matatanggap ng isang manggagawa ang kanyang pera ngayong kailangang kailangan mo na ito (emergency nga raw, 'di ba?). Pero kikita naman siya ng karagdagang 30 sentimo sa bawat araw ng paghihintay. Salamat na lang siguro, ngunit kahit kendi ay hindi niya mabibili sa 30 sentimo.

Ngunit marahil ang pinakamasakit sa lahat, sa kabila ng mga paghihirap ng mga manggagawa ay binansagan pa ng pangulong "anti-labor" ang kaniiang panukalang P125 across-the-board, nationwide wage increase. Maraming kumpanya raw ang mapipilitang magsara at maraming mawawalan ng trabaho kung ipagpipilitan ang hinihinging P125 na dagdag sa sahod. Sinasabi rin ng ibang ekonomistang mas nakasasama pa raw ang pagtataas ng mga sahod sapagkat napapatalsik ang mga tinatawag na lesser-skilled workers sa disenteng trabaho, at dahil dito'y naghahanap sila ng mapagkikitaan sa informal sector, kung saan maboba pa sa minimum ang nakukuha nilang sweldo.

Kaya naman ngayon ay ipinaglalaban ng mga manggagawa ang pagbuwag sa mga RTWPB. Noong una'y ang silbi ng mga ito ay upang mabawasan ang mga manggagawa sa mga lugar sa kung saan ay masikip na talaga, katulad ng Maynila at Cebu. Sa ganitong paraan, magiging pantay ang distribusyon ng bilang ng mga manggagawa. Ngunit sa paglaon ay hindi rin naman gumagana ang mekanismong ito sapagkat may mga lugar na mas mataas pa ang bigay na sweldo. Sa halip na magtiyaga nga naman sa mamiso ay pupunta na lamang ang mga manggagawa sa lugar na kung saan mas mataas ang binibigay. Mananatili talagang hindi pantay ang distribusyon ng bilang ng manggagawa, kung ganoon.

Ngunit, ayon na rin sa mga datos ng Department of Labor and Employment, sa mga kumpanyang tuluyan nang nagsara nitong mga nakalipas na buwan, hindi pasuweldo ang dahilan ng kanilang pagsasara. Ilang sa kanilang dahilan ay ang pagbaba ng market demand para sa kanilang mga produkto, matataas na interest rate, kakulangan sa puhunan, at higit sa lahat ang kanilang kabiguang makasabay sa mga dayuhang negosyante dala na rin ng matinding kumpetisyon sa kasalukuyan.

Ayon sa kinatawan ng Partido ng Manggagawang Pilipino, ang pagtutol daw ng pamahalaan sa pagtataas sa sahod ay para lalong palaganapin ang "cheap labor" dito sa Pilipinas upang manghikayat sa mga dayuhang negosyante na mamuhunan dito. Ngayon, sa DOLE na mismo nanggaling ang pahayag na isa ang mga dayuhang negosyanteng sa dahltan ng pagkalugi ng mga kumpanya at hindi ang pagtataas sa sahod ng mga manggagawa. Kaya naman kakaunti na lang ang mga palusot na pwedeng gamitin ng mga kumpanyang nagkakandarapang ma-exempt sa pagbibigay ng dagdag na sahod.

Another of the wonders of globalization.

Jingle Bells

Mula rin sa pahayag na binitiwan ng pangulo ay lalong lalabo ang pagsasatupad ng HB2605 at HB2606 dahil maaaring haharangan ito ng mga mambabatas na kaalyado ng pangulo. Sa katunayan, iniurong na ni Senador Juan Flavier ang kanyang panukalang katumbas sana nito sa Senado, dahil nga raw anti-labor ang nasabing panukala.

Mapupuna ring pansamantala lamang ang ECOLA dahil hindi magtatagal ay tataas nanaman muli ang 'di na nga maabot-abot na Daily Cost of Living. Kumbaga, band-aid lamang ito sa problema ng mga manggagawa. Wala pang pangmatagalang programang ihinaharap ang pamahalaan para sa kanila.

Kasalukuyang ipinapatupad ng pangulo ang holiday economics nang pahabain niya ang bakasyon ng mga manggagawa noong nakalipas na araw ng mga patay at sa pasko. Ito raw ay para ma-jump start ang paggastos ng mga tao at ang kanilang pagtangkilik sa mga negosyong Pilipino upang makatutong sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ngunit, paano naman magaganap ito kung talagang ayaw nang dagdagan ang sahod ng mga manggagawa gayong alam naman pala ng gobyernong sa mga negosyante rin muli ang bagsak ng perang ipandadagdag sa kanilang sweldo pagkatapos nita itong gastusin? Isa pa, kung papahabain ang bakasyon ng mga manggagawa, lalo pang nabawasan ang mga sahod ng mga empleyadong sumusuweldo ng kada araw. Samakatuwid, tinatalo ng panukala ni Ate Gloria na pahabain ang bakasyon ang sarili nitong pakay.

At sa huli'y…

Ano pa nga bang magbabago sa eksenang lagi na lang nating nasasaksihan?

Kung magbabalikwas lamang, wala pang inilatag na pangkalahatang programa (o batas) ang pamahalaan para sa ikagiginhawa ng mga manggagawa sa bansa. Hindi man lamang konkretong nakapag-alay ang pamahalaan ng 'ni isang pagdaragdag sa sweldo ng mga manggagawa. Ngayong inilabas na ng mga manggagawa ang kanilang hiling - halagang 125 pisong dagdag sahod lamang - lantaran pang tinitipid ng pamahalaan ang sektor na dati pa nilang kinaliligtaan. Kaya naman ngayo’y nakikisakay na rin sa bandwagon na ito ang mga kapitalista.

Haaay… kung ganoon, tama nga siguro ang sinasabi ng mga analista ng ekonomiya: ang paskong darating ay magiging isa sa pinakamalungkot sa buong kasaysayan ng sangkapaskuhan.

Kung makinig lang naman sana ang pamahalaan, sana’y hindi ganoon ang mangyayari.

Basahin: Ang Pagbabalik ng Malayang Diskarte