At nang Nauso ang Kontratuwalisasyon
ni Mark John Abelada at Aaron Rom Moralina

Malamang nakita mo na ang mga trabahador na nagtatabas ng damo sa may SEC walkway at ang mga nagwawalis sa mga kalsada ng Pamantasan. Pansinin ang kanilang mga uniporme - walang Ateneo seal at kadalasa'y kulay dark blue o dilaw. Sila ang tinatawag na manggagawang kontraktwal (contractual workers), mga manggagawang hindi direktang pinapasahod ng Ateneo kundi ng kanilang ahensya. Tila madali lang naman para sa kanila tuwing sila'y sumusuweldo -- hindi na nila kailangang pumila sa payroll office ng pamantasan tulad ng ibang regular, sa halip ay pwede na nilang kunin ang kanilang sahod sa kanilang ahente.

Ngunit hindi ganoon kasimple ang lohika ng sistemang kanilang kinapapalooban.

Ano nga ba ito?

Ayon kay G. Ciriaco Sabilano, assistant manager ng seguridad sa GSIS, may dalawang uri ng kontraktuwalisasyon -- ang direktang kontraktuwalisasyon at ang outsourcing.

Sangkot ang mismong employer sa pagaarkila ng mga manggagawa sa direktang kontraktuwalisasyon (pwede ring tawaging casual contractualization). Sasailalim ang manggagawa sa kontratang magtatakda sa kanyang magtrabaho sa loob ng pagkakasunduang panahon. Kadalasan, hindi lalagpas sa anim na direktang kontraktuwal. Tulad ng mga regular na manggagawa, ang mga manggagawang direktang kontraktuwal ay kasama sa payroll ng mismong employer.

Sa outsourcing (o indirect contractualization) naman, pipirma ng kontrata ang employer at isang ahensya ng paggawa (labor agency). Magkakasundo ang dalawang panig kung anong uring trabaho ang gagampanan ng mga manggagawa. Ang ahensya na ang may pananagutan sa mga manggagawa nito sa panahong nakatakda sa naturang kontrata. Binibigay ng employer sa ahensya ang mga sahod ng manggagawang outsourced, pagkatapos ay bahal na ang ahensya sa pagbibigay nito sa mga manggagawa. May komisyon ang ahensya sa ibibigay ng employer – nakakakuha ng komisyon ang ahensya sa kadahilanang ito ang naghahanap ng trabaho para sa mga manggagawa nito sa pamamagitan ng mga bidding.

Maaaring maging regular na empleyado ang mga manggagawang direktang kontraktuwal matapos ang anim na buwan at isang araw ng panunungkulan. Kung makakaabot na ang isang emleyado nang ganitong katagal, maaari na siyang humingi ng mga benepisyong tinatanggap ng isang regular (na sang-ayon pa rin sa mga patakaran ukol sa pagbibigay ng benepisyo). Sa kabilang banda, maaari lamang maging regular ang isang outsourced na manggagawa kung ipapakiusap lamang ito ng employer sa ahensya.

Isang halimbawa ng mga manggagawang direktang kontraktwal ay ang mga nagsagawa ng emissions test sa Pamantasan. Dirketang kinuha ng Ateneo Physical Plant ang mga taong ito upang magsagawa ng emissions test sa loob ng anim na buwan. Ang mga manggagawang outsourced naman ay ang mga nakikita nating nagbubungkal ng lupa sa Eagles’ Park o ang mga nagtatabas ng damo sa SEC field. Ang mga ito ay empleyado ng ahensya at hindi ng Ateneo mismo.

Ang popular na kahulugan ng kontraktuwalisasyon ay ang outsourcing. Ito ang kontraktuwalisasyon na ating pag-uusapan sa mga susunod pang bahagi ng artikulong ito.

Kontraktuwalisasyon sa Pamantasan

Ayon kay G. Tobias C. Tano, panguto ng Ateneo Workers Union (AWU), nais ng Ateneo Personnel na maging kontraktuwal na ang lahat ng trabaho sa pamantasan. Makikita naman ang ebidensya nito sapagkat ginawa nang kontraktuwal ang ilang trabahong dati'y pangregular, tulad ng pagtatabas ng damo at pagwawalis ng mga kalsada. "Unti-unti nang pumapasok ang de-ahensyang trabaho dito sa Ateneo. May nag-retiro nga sa central maintenance na regular, ang ipinalit ay naka-contractual na, " dagdag ni G. Tano.

Nang tinanong ng Matanglawin si G. Tano kung bakit gusto ng Ateneo Personnel na gawing kontraktuwal ang lahat ng trabaho sa pamantasan, ang sagot nito, "Siyempre, mas makakatipid ang Ateneo. Ang mga 'yan naman [contractual workers], kakaunti lang ang benefits, SSS lang at Pag-ibig, wala nang iba."

"Sa La Salle nga at St. Benilde halos lahat ng trabaho, ginawa nang kontraktuwal. Dahit na rin sa kumpetisyong dala ng globalisasyon, nais na ring makigaya ang Ateneo, " dagdag pa niya.

Magkabilang himutok at pagwawalangbahala

Salungat ang Ateneo Workers Union sa kontraktuwalisasyong ginagawa ng pamantasan.

Ayon pa rin kay G. Tano, ang pag-uunti- unti ng Ateneo sa mga trabahong pang-regular ay malinaw na paglabag sa Collective Bargaining Agreement (CBA). Ang mga trabahong ginagawang kontraktuwal ng Ateneo ay mga trabahong nasa ilalim ng job groups na para sa unyon -- nangangahulugang regular dapat ang mga taong gaganap sa mga trabahong ito dahil kailangan nilang maging kasapi ng union.

Kung ganoon, mababawasan ang mga empleyadong may potensyal na sumapi sa union. Hindi nanaisin ng isang kontratuwal na manggagawa ang sumali sa union, kahit na kailangang-kailangan niya, sapagkat madali lamang siyang ilipat o patalsikin ng ahensya kung sakaling maging aktibo siya sa mga Gawain ng union. Sa ganitong paraan, unti-unting malulusaw ang kasapian ng union ng manggagawa sa Pamantasan.

Sabi naman ni G. Sonnie Amata, board member ng AWU, idinadahilan daw ng Ateneo na kailangan nilang makakuha ng mga trabahador na may kaalaman sa teknolohiya naging usap-usapan pa nga na ito ang dahilan kung bakit napipintong gawing kontraktuwal ang lahat ng trabaho sa itinatayong PLDT Convergence Center sa tabi ng SEC. Kung ganoon, hindi kailangan ng ahensya ang Ateneo upang makakuha ng trabahador sapagkat kayang-kaya naman daw ng mga regular na manggagawa ang magkaroon ng technological know-how -- kailangan lamang na umarkila ang Personnel ng consultant. Gumawa ang unyon ng isang liham na nagpapaliwanag ukol dito, ngunit wala pa raw sagot ang Personnel.

Sa kasalukuyan, patuloy na pumapasok ang mga manggagawang de-ahensya sa Pamantasan.

Tumangging magbigay ng panayam ang personnel director ng pamantasan na si G. Paul Sim Jr. sa kadahilanang lagi na raw siyang naiinterbyu sa bagay na ito. Ayon sa kanya, kahit ano pa raw ang kanyang gawing pagpapaliwanag, ang lumalabas lagi “ay laban sa kanila” (personnel). Nabanggit niyang ”ang mentalidad ng mga nagtatanong ay lagi na lamang oppressive employer ang Ateneo.” Laging pinalalabas na masama ang Personnel, ani G. Sim.

Nagpahayag din naman si G. Sim ng kanyang kaunting pananaw tungkol sa kontraktuwalisasyon. Kinakailangan daw ito upang mapunan ang pangangailangan sa mga espesyal na trabaho tulad ng security guards at mga karpintero. Trade-off lamang daw ang nangyayari -- ang kanyang pagpapaliwanag: kung may P50 ka at limang tao ang nagugutom, nanaisin mo bang ibigay ito sa iisang tao lamang? Kung gayon, isa lamang ang makakakain sa apat na taong nagugutom. Mas mainam na bigyan ng tig-10 piso ang 5 nagugutom, kahit daw kulang ay makakakain naman ang mga ito. Gnairo raw ang kanilang pagkuha ng mga manggagawa, strategy of allocation lang.

Kaso ng Pamantasan

Upang magbigay ng isang matibay na halimbawa ng kabuktutan ng sistemang kontraktuwalisasyon, mainam lamang na makapaglahad ng kasong kinasasangkutan ng Pamantasan – ang mga kasong Palo et al. vs Gamboa, Nebres and Ateneo at Libios vs CPG Painting Contractor (CPG), Gamboa and Nebres.

Sa parehong kaso, ang mga naghabla ay pawang mga trabahador ng maintenance. Nadestino ang mga trabahador na pagandahin ang ilang lugar sa Ateneo, magwalis at magtabas ng damo at sangang puno. Ayon so mga nakuhang datos, ilan sa kanila ay matagal na ring nagtatrabaho sa Ateneo - ang iba ay nagsimula pa noong taong 1989, ang pinakabago ay noong 1997 lamang. Nagsusuot pa nga raw sita ng ID na may pangalang University Physical Plant.

Noong 1998, inilipat sila sa CPG, isang painting contractor, dahil ito raw ang nanalo sa bidding. lpinaalam sa kanilang mananatili sila sa Ateneo at ang magsisilbing bisor nila ay si G. Mario Buco at G. Leoncio Miralao, pati na rin ang CPG. Patuloy pa rin nilang gagamitin ang mga kagamitang pinagkaloob sa kanila ng pamantasan bago sita inilipat sa CPG. Ang tawag sa gawaing ito'y Labor-Only Contracting (LOC).

Noong ika-31 ng Marso ng taong 2000, sinabihan ng CPG ang pangkat nina Palo na matatanggal sila sa trabaho sapagkat natalo sila sa bidding sa naturang taon. Nagsampa sila ng kaso sa NLRC na nagigiit na sila'y regular na empleyado at ilegal ang pagtanggal sa kanila. Sabi ng Ateneo na hindi sila responsable sa pagkakatanggal nila sa trabaho sapagkat CPG ang may hawak sa kanila. Ayon naman sa CPG, kaya natanggal ang pangkat nina Palo ay dahil natalo sila sa bidding pagkatapos ng kanitang naunang kontrata. Idinagdag pa ng CPG na mga project employee lamang slia.

Tinanggihan ito ng pangkat nina Palo. Sinabi nilang mga regular na empleyado na sila sapagkat mula 3 hanggang 11 taon na silang nagtatrabaho sa Ateneo. Giniit ng CPG na ang Ateneo ang dapat managot. Inamin nilang sangkot sila sa LOC. Dagdag pa nilang sapagkat kina Miralao at Buco sila nagre-report, ang Pamantasan mismo ang nagbibigay ng utos sa kanila at hindi ang kanilang contracting firm.

Pinasya ng NLRC na regular na sina Palo sapagkat, higit pa sa isang taon ang kanilang paglilingkod sa Ateneo bago sila inilipat sa CPG. Samakatuwid, nararapat lamang na mayroon silang security of tenure. Ayon naman sa DOLE Order 10 series of 1997 na nagbabawal sa LOC, sangkot sa ilegal na gawain ang CPG at wala raw itong kahit na anong karapatang makipag-ugnayan sa Pamantasan. Dahil dito'y maaaring makitang Ateneo pa rin ang may hawak sa kanila (Article 106, Labor Code).

Sinabi rin ng NLRC na ilegal ang terminasyon ng pangkat nina Palo. Kahit na natapos na ang kontrata ng CPG at Ateneo, hindi ibig sabihin nito'y may karapatan ang CPG na tanggalin sila sa trabaho. Ang kaisa-isang may karapatang gumawa nito ay ang Ateneo mismo. Dahil dito, pinagbayad ang Ateneo ng Pl,480,454.30 bitang pambawi sa mga suweldong hindi natanggap ng mga naghabla, kasama nito ay ang pagbabalik sa trabaho ng pangkat nina Palo.

Pinal na Analisis

Mahahalata sa kasong inilahad sa itaas na ang kontraktuwalisasyon ay maaaring magbunga ng inhustisya laban sa mga manggagawa. May kakayahang magtanggal ng mga manggagawa ang contractor nang basta-basta na lamang. Walang matibay na pananagutan ang parehong employer at contractor sa mga manggagawa sa gawaing kontraktuwalisasyon kaya't mas lalo pang lumalaki ang posibilidad ng pagtanggal na wala namang dahilan.

Malinaw na isang uring pang-aabuso ang paraang kontraktuwalisasyon sa sektor ng paggawa. Sa gawaing ito, nawawalan ng karapatan ang mga manggagawa na makahingi ng dagdag na suweldo sapagkat wala silang suportang manggagaling sa isang kolektibong pagkilos ng unyon. Kung ang mga manggagawang kontraktuwal ay nakadestino sa isang institusyong pang-edukasyon (tutlad ng Ateneo), hindi nito matatamasa ang karagdagang sahod sa pagkakataong magtaas ito ng matrikula sapagkat nakasalalay ang kanilang sahod sa ahensya nila na kadalasa'y nagbibigay lamang ng pinakamababang sahod na maaaring ibigay. Kahit na nakasaad sa batas na 70% ng pangkalahatang dagdag sa matrikula ay dapat ilaan sa karagdagang sahod ng mga manggagawa't guro, hindi makakasama ang mga manggagawang kontraktuwal sapagkat hindi sila regular na empleyado ng naturang institusyon. Maliban dito, hindi nakatatanggap ng mga benepisyo ang mga manggagawang kontraktuwal na karaniwang tinatanggap ng mga regular (tulad ng rice allowance, family allowance, scholastic allowance at retirement benefits). SSS at Pag-lbig Fund lamang ang kanilang mapapakinabangan. At ang pinakamasaklap na katotohanan sa likod ng nasabing gawain ay ang kawalan ng security of tenure ng mga kontraktuwal na manggagawa lalo na iyong mga de-ahensya. Nakasalalay ang kanilang hanapbuhay sa bidding - mawawalan sila ng trabaho sakaling matalo ang ahensya nila dito.

Kay G. Sim naman, nakalulungkot kung ganito na lamang ang lagi ninyong reaksyon sakaling mayroon mang nagnais magtanong sa inyo tungkol sa kontraktuwalisasyon sa Pamantasan. Kung sa amin pa lamang na publikasyong mag-aaral ay hindi na kayo nakipagusap, paano pa sa mismong unyon kung sakaling harapan nila kayo? Bakit naman lalabas na "laban sa inyo" kung maipapaliwanag naman ninyong makadahilanan at makatarungan ang inyong polisiya sa pag-aarkila ng ahensya? Nakapanghihinayang din sapagkat hindi ninyo kami binigyan ng pagkakataong ipaabot sa inyo ang mga pahayag ng unyon na dapat ninyo sanang bigyang atensiyon.

Sa inyo namang pagpapaliwanag sa limampung pisong ibabahagi sa limang tao, tila mababaw naman yatang sabihing strategy of allocation lang ang ganoong gawain. Sundin natin ang lohika ng inyong pagpapaliwanag. Papaano kung mayroon nang kasunduan sa pagitan niyo at ng limang taong inyong sinasabi

at nakasaad dito na obligado kayong magbigay ng tig-lilimampung piso sa

kanila? Kasama nito, maliban pa sa limampung piso na kanilang tatanggapin, ayon pa rin sa kasunduan, dapat silang makatanggap ng iba pang benipisyo. Kung tutuusin pa nga, sa pahayag ng unyon, naagawan pa sila ng trabaho sapagkat napupunta sa mga de-ahensya ang mga trabahong pang-regular. Kung sa lohika ng inyong pagpapaliwanag, sa gawaing kontraktuwalisasyon, unti-unti ninyong pinapalitan ang limang taong dapat ninyong bigyan ng tig-lilimampung piso (at benepisyo) ng mga taong maaari ninyong bigyan ng mas mababa pa sa limampung piso (na wala nang benepisyo). Ang lohika ng kontraktuwalisasyon, samakutuwid, ay sumasaibayo sa katagang "strategy of allocation." Gayunpaman, wala pa ring trade-off na nangyayari.

Mahirap tanggapin ang inyong paliwanag, G. Sim.

Salamat sa mga sumusunod:
Tanggapan ng Ateneo Personnel, G. Paul Sim Jr., G. Tobias Tano, G. Sonnie Amata, G. Arturo Avila, G. Emmanuel Avila, G. Numer Melaya, G. Sonny Toledo, kay Mang Jimmy at sa lahat ng kasapi ng Ateneo Worker’s Union, kay G. Ciriaco Sabilano at kay Jonar.

Karagdagang Sanggunian:
The Labor Code of the Philippines ng Philippine Law Gazette
The Service Contractor’s Dillemma:
When Does Job Contracting Become Labor-Only Contracting? ni Ishmael G. Khan
Ang Desisyon ng NLRC sa mga kasong Palo et al. vs. Gamboa, Nebres and
Ateneo at Libios vs CPG Painting Contractor (CPG), Gamboa and Nebres..