Pag-aabang sa Kundiman
ni Edgar Samar
Karangalang Banggit, Patimpalak ng Tula
(Kolehiyo) - Bertigo 2001

May mga bagay na hindi matatakasan
 

Heto ako: nakatayo sa kanto ng Kundiman
at España, nag-aabang ng masasakyan,
nag-iisip ng dahilan kung bakit laging ganito –
walang pagkakataon na nag-iisang naghihintay
sa tabi ng daan; may mga pumaparang dyip
 

gaya ng kamatayan at ng sinilangang bayan.

subalit sa biyaheng di ko patutunguhan.

Nakalulungkot ang arangkada ng sandali.
Hindi naman talaga ako nagmamadali
ngunit ano'ng gagawin sa mga kasama
na hindi ko naman lubusang kakilala?
Tangay kami at bitbit namin
ang kanya-kanyang karanasan at alaala
na maaaring may kung ilang dekada
ang pagitan. lba't iba ang aming pinagmumulan
at sa huli'y magkakaiba rin ang inuuwian.

ltinataya ako't nagtataya rin sa lipunan
nang wala naman talagang kalaban-
laban. Ilan sa kanila ang may hinanakit din
sa sistema? Kung mababasa ko lamang sana
sa kanitang mga mata o sa galaw ng kamay
sa kanilang pagpara ang pag-unawa sa kahulugan
ng pakikibaka, mas may nabuo sana akong pasiya.

Sino sa kanila ang nanindigan sa EDSA?
Kaninong pag-asa ang nabulabog sa mga putok
na maririnig lamang sa mga malalalim
at lihim na pag-iisa? Sadyang nakapapagod din
ang ganitong mga araw ng paghihintay,
ang halos pare-parehong mukhang nakasasabay,
ang mismong pagpapatuloy ng buhay.

Heto ako’t inaalala ang pagkamatay
ng ama sa Mendiola, iniisip ang inang
patuloy na nakikibaka habang ako nga
ngayo'y nasa gilid ng kalsada't may mga kasama
subalit nag-iisa lang namang talaga –
natatawa na lamang sa mga paalalang "barya
lang po sa umaga" gayong barya lang naman
talaga ang mailalarnan ng aking bulsa.

Maingay na tahimik ang paligid. Umuugong
ang makina ng mga sasakyang bumubusina
nang bumubusina habang sinasaliwan ng kanta
sa radyo ang maghapong pamamasada.
Nagbababa't nagsasakay ang dyip,
nabibinbin sa trapik, walang nilulunasang
pagkainip, walang ginigising sa pananaginip.