Mata sa Mata: Fr. Robert Reyes
ni Buen Cruz

Nakilala ng mamamayan bilang isang paring katoliko na 'mahilig’ tumakbo, hindi upang takasan ang mga isyu ng simbahan ngunit upang ipahayag ang kanyang paninindigan. Marahil mas napatingkad pa ang kanyang pangalan sa panahon ng administrasyong Estrada, sa mga rally tulad ng Jericho March at marami pang iba. Ngunit sino nga ba talaga itong si Fr. Robert Reyes?

Isinilang noong ika-dalawampu't apat ng Pebrero taong 1955. Lumaki sa piling ng mga magulang na sina G. at Gng. Carlos at Natividad Reyes. Nagsimulang maging isang seminarista noong 15 taong gulang sa San Jose Minor Seminary sa Novaliches (na ngayon ay Sacred Heart Novitiate). Pumasok sa San Jose Major Seminary ng Pamantasan Ateneo de Manila noong taong 1972, nagtapos ng Bachelor of Arts in Philosophy (Pre-divinity), at naging pari noong taong 1985. Kasalukuyang kura paroko ng parokya ng Holy Sacrifice sa Unibersidad ng Pilipinas.

Narito ang isang maikling panayam sa kanya habang tumatakbo.

Matanglawin: Noong kayo po ay nasa kolehiyo pa, anong karanasan ang pinakanatatandaan ninyo? Anu-ano ang mga nasalihan ninyong organinsasyon? Malaki ba ang epekto ng kalagayan nq bansa sa inyong pag-aaral, lalo no noong freshman pa kayo so ilalim ng diktadurya?

Fr. Robert: Wala akong nasalihang school organization noong panahong iyon dahil hindi highly encouraged ng seminaryo na magkaroon kaming mga seminarista ng school org. Ngunit noong panahong iyon, nakasali naman ako sa isang underground organization, 'yung PDSP, kung saan nakasama ko si Fr. Archie Intengan, ang Jesuit Provincial ngayon.

Doon naman sa karanasan, unang beses yatang nangyari noon sa Ateneo na magkaroon ng parang Freshmen Mass Promotion. Dalawang buwan halos kasi kaming nawalan ng pasok dahil sa deklarasyon ng Matrial Law at sa malaki at malawakang pagbaha sa mga bayan ng Central Luzon.

M: Kailan ba kayo nagsimulang tumakbo't naging running priest?

FR: Seminarista pa lamang ako, nahiligan ko na ang pagtakbo. Sa pagtakbo ko nabubuhos kadalasan (ang aking oras) para sa recreation at sports. Nagpatuloy ito hanggang ngayon.

M: Ano po ang nagtulak sa inyo para tumakbo mula pa noong seminarista kayo, ano po ang inyong nagsilbing inspirasyon?

FR: Siguro, consciously hindi ako sigurado kung sino talaga (ang aking naging inspirasyon), pero noong malaman ko ang kwento ni Fr. Chiqui Manalo, baka siya. Si Fr. Chiqui kasi ang cross country champion ng Ateneo noong kabataan niya. Seminarista siya noon at patuloy na tumatakbo. Kaya lamang na-stroke siya habang tumatakbo sa isang paligsahan. Dahil doon, naparalisa ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan. Natigil ang kanyang pagtakbo pero nagpatuloy siya sa pagpapari at ngayon ay naglilingkod sa Diyosesis ng Antipolo.

M: Saan-saan no po ba kayo nakarating so mga pagtakbo ninyo?

FR: Sa buong Pilipinas. Natakbo ko na mula northern Luzon hanggang southern Luzon, eastern hanggang western Visayas at pati Mindanao.

M: Ngayon po patuloy pa rin kayong tumatakbo, anu-ano po ba ang mga dahilan ng inyong pagtakbo?At sinu-sino naman po ang inyong mga kasama?

FR: Maraming dahilan ang aking mga pagtakbo. May mga fun run bilang fund raising project para sa mga may kanser, sa mga may kapansanan, at iba pa. Mayroon din naman para ipahayag ang aking paninindigan sa ilang mga isyung pambansa at pampamahalaan gaya nga noong panahon ni Erap. Ngayon nga ay tumatakbo ako para sa ika-400 taong anibersaryo ng San Jose Seminary. Minsan marami akong kasama. Minsan iilan. Pere, hindi nawawala ang aking mga kaibigan, ang aking staff (sa parokya) at ang mga Gomburza Ultra Runners.

M: Kailan naman po ang susunod ninyong pagtakbo?

FR: Sa December 2 ay plano naming tumakbo mula sa Balintawak hanggang Baguio.

M: Bukod po so pagtakbo ano pa po ang iba ninyong pinagkakaabalahan? Ano ho bo any inyong mga libangan?

FR: Nariyan pa rin ang trabaho ko sa aking parokya. Bilang libangan, nag-aalaga ako ng mga hayop. Madalas din akong magkaroon ng mga environmental projects gaya ng tree-planting.

M: Anu-ano po any mga hayop na inyong inaalagaan?

FR: Marami akong inaalagaan. Halos magkaroon na nga ako ng mini-zoo sa likod ng parokya eh. Mayroon akong mga B. Kythe at agila, mga ahas, musang, mga loro, unggoy, baboy ramo, mga isda, aso, at marami pang iba.

M: Ano naman po ang ginagawa ninyo sa mga ahas at iba pang hayop lalo na kung dumarami sila?

FR: Kadalasan ay idino-donate ko sila sa mga zoo at mga katulad na institusyon.

M: Bilang pangwakas, maari po ba kayong magbigay ng isang maikling mensahe para sa aming mga kasalukuyang Atenista?

FR: Kadalasan nababansagan ang mga Atenista na walang pakialam. Marahil, hindi sila naninindigan, kung naninindigan man parang “playing safe,” ‘yun bang nasisimi at baka may masagasaang matataas na tao. Hindi mo mariringgang talagang naninindigan para sa tama, o kahit na nga sa hindi gaanong tama wala pa rin. Para ba talagang walang pakialam. Ang masasabi ko lang sa mga Atenista sa ngayon ay sana matuto silang manindigan. Magkaroon sana sila ng prinsipyong panghahawakan at susundan. Huwag sana nilang hayaan ang sariling maging sunud-sunuran na lamang sa idinidikta ng kasalukuyang lipunan. Matuto silang mag-isip at ang maging tao para sa bayan, para sa kapwa, higit sa lahat, tao para sa lalong ikakarangal ng Diyos – Ad Majorem Dei Gloriam.