Sawa Ka na Ba?
ni Leo-Martin Angelo Ruiz Ocampo
Karangalang Banggit, Patimpalak sa Pagsulat ng Tula
(High School) - Bertigo 2001

O! Tila nga ba aking Musa, nagsasawa na ako,
Sa Pilipinas na bayan, kapatid na Pilipino,
Mistulang di-umuunlad, pawing walang pagbabago,
Wala nang sigla’t pag-asa, napag-iwanan na ng mundo.

Bagamat tunay ngang masasabi mo ring makabago
Ngunit sa baya’y ano naman kaya ang epekto?
Sa atin ba’y sapat na ang pagiging moderno,
Sa altar ng teknolohiya’y ano ang sakripisyo?

Sa radio, maging sa TV o sa balita sa dyaryo,
Sisihan, alitan, patayan, bangayan doo’t dito:
Ang aktbista sa EDSA versus pulitikong trapo,
Mga mamamayan sa Ayala kontra pobre sa kanto

At sa Timog nama'y giyera, mga Muslim raw at Kristiyano.
Tunay bang para sa Diyos, o sa interes na pintuho?
Rape, kidnapping, corruption, lagi na lamang bang ganito?
Kapatid sa kapatid, Pilipino sa Pilipino.

Ang ating Inang kalikasang binusog at pinagyaman,
Biniyaya't pinagpata ng Bathalang maylalang,
Ano ngayon ang nangyari't napalitan, ng waksi at balbal,
Ng kulturang banyaga't mga asal na liko't hangal?

Sa gobyerno naman ay siraan ni ganyan at ganito,
Kung hindi man abala sa pagnanakaw sa tao,
Kawaning kung umuwi'y mabilis pa sa alas-kwatro,
Ngunit kung magsilbi nama'y tirik na ang mata mo.

At kahit sa simbahan, minsan walang kaliwanagan,
Marami pa ang pari sa party, kaysa kumpisalan,
At kung misa't dalaw naman ang pag-uusapan,
Alangan kung sa mahirap, kay bilis kung sa mayaman.

At maging sa paaralang dapat sana ay tampulan,
Mga aral na mabubuti't ginintuang mga asal;
Iyong matatagpuan, mga guro ng katamaran,
Kung hindi nagpapaganda, ay naroon sa tsismisan.

At sa mga ospital, na hatid sana'y kalusugan,
Kung tao'y walang salapi, hindi man lang lutlnasan,
Hindi tatanggapin kahit malubha ang kalagayan,
Hahayaan na lang lumala't humantong sa libingan.

At sa media namang hatid sana ay katotohanan
Tsismis at intriga ang handog, kung minsan pa'y kalaswaan.
Mga balitang binili at opinyong binayaran:
lbinasura ang tiwatla ng mga mamamayan.

Ang mga manggagawang tanging hangad ay sweldo lang,
Gawa'y di-pinagbubuti, oras 'di pinagyayaman.
Sa opisina'y tutog kundi nakikipagdaldalan,
Kung dumating ay huli na, kaybilis kung uwian.

Mga pulis na tanging kotong, ang hangad sa mamamayan,
Sa halip na magsilbi’y nando’t nagpapalaki ng tiyan.
Sa kampo ng babae, kurakot, sugal at inuman,
Kung kaya’t ganyan na lamang ang karahasan.

At gayyun din naman pati na ang mga kabataan
Na dapat sana ay taglaw, pag-asa ng ating bayan,
Leksyon ay di-aralin, bagkus naroon sa pasyalan,
Masdan mo maya maya't ano ang kinabukasan.

At dito ay nasaan kanilang mga magulang;
Na dapat sana ay magturo at magsilbing huwaran,
Kundi naroon sa trabaho't minsan pa'y sa pasugalan.
Nasaan ang anak kundi sa barkada nitong hangal?

At ikaw Pilipino, ano ang iyong ginagawa?
Kibit-balikat na lamang ba't pagwawalang bahala,
Sa bansang 'di naman salat sa talino at biyaya
Bagkus kulang lamang sa pagsisikap at pagbabatak?

Tuluyan na lamang bang mabubugnot at magsasawa,
Maninisi at ibubunton sa iba ang 'yong sala?
Sa aba mong baya'y ano kaya ang sana'y nagawa,
Sa halip na umupo at sa problema'y tumunganga?

O aking Musa, tunay nga bang nagsasawa ako,
Sa kawawa kong bayan, sa kapatid na Pilipino?
Ngunit ano nga ba ang bunga, ang idudulot nito
'Di kaya'y magsumikap na't simulan sa sarili ko...

Palagay mo?