Aba, Hindi Pala Talagang Bobo si Erap...
ni Tinalupang Lupa

Noong inamin ni dating Pangulong Siyerrap na pumirma siya bilang Jose Velarde, maraming nag-akalang ito na nga ang katapusan ng mga maliligayang araw niya. lnisip nilang nabigyang-saysay na sa wakas ang EDSA Dos, ang impeachment trial, at ang testimonya ni Clarissa Ocampo na nagsasabing "I was one foot away from him" noong pumirma slya.

Ngunit nang inutusan ni Siyerrap ang mga abugado niyang magbitiw na sa hinaharap niyang kaso ng pandarambong sa Sandiganbayan, biglang nagbago ang kumpleksyon ng nasabing paglilitis. Sinabi niyang hindi rin naman siya makakakuha ng patas na paghusga mula sa korte. Binigyan siya ng abugado ng gobyerno, kasama ang kanyang dating abugado noong impeachment trial. Ngunit hindi niya pinayagang hawakan nila ag kaso niya.

Kasabay nito ang panukala ng ilang mambabatas na pahintulutan siyang pumunta sa Estados Unidos upang ma-operahan ang kanyang tuhod. Ngunit tila binabawi na nila ang kanilang suporta sa nasabing panukala dahil sa "kabobohan" ng kanilang tinutulungan.

Maugong naman ang balitang dadalhin na lamang dito ang doktor na mag-oopera sa kanya. Habang gumagaling ang kanyang tuhod, panonoorin na lamang niya ang mga nangyayaring kaguluhan sa Sandiganbayan at lipunang sibil. Mabibitin nang matagal ang paglilitis sa kanya (at una pa lamang ito sa apat na kasong hinaharap niya) dahil sa kanyang tigas ng ulo. Kung magkatao'y baka ipa-exile na lang siya sa labas ng bansa, isang galaw na tinututulan ng marami.

Mukhang hindi naman pala bobo ang kumag na ito.


At Napikon ang Barat
ni Tinalupang Lupa

Kung meron mang leksyong matututunan sa nangyaring ito sa isang empleyado ng GSIS, ito ay: huwag sigawan ng "barat" ang isang pangulong  pikon.

Nangyari raw ito sa Christmas party ng nasabing opisina ng gobyerno. Habang nagbibigay ng talumpati ang pangulo ng GSIS na si Winston Garcia, biglang sumigaw ang isang empleyado ng "Winston Barat!" Kamakailan lamang ay pinatawan ang empleyado ng 90-day preventive suspension at ipinagbawal sa pagtuntong sa GSIS hanggang Hunyo. Grave misconduct daw, sabi ng suspension order.

Balita nami'y ang empleyadong ito ay nag-iisang binubuhay ang kanyang limang anak simula nang yumao ang kanyang asawa noong 1999. Halos labinlimang taon na siyang nagtatrabaho sa GSIS at ngayon lang nangyari sa kanya ito. Unti-unti siyang umakyat mula sa ilalim hanggang naging assistant manager siya ng seguridad dito. Ilang pangulo na ng GSIS ang nadaanan niya: Belmonte, Sariņo, Pascual, Garcia. Lahat sila'y binabatikos niya dahil sa kanilang mga di-kanais-nais na polisiya, ngunit si Garcia pa lamang ang nakakagawa ng ganitong kalaking kawalanghiyaan.

Si Garcia naman ay mag-iisang taon pa lamang sa pwesto niya. Makapangyarihan ang pamilyang pinanggalingan niya sa Cebu, kung saan ang ama niya ay isang provincial board member. Malamang ay nasanay na ito na lahat ay natatakot sa kanya, ngunit sa pagkakataong ito ay natagpuan na niya ang kaisa-isang taong hindi magpapaapi sa kanya.

Parang sigarilyo itong si Winston -- laging umuusok, parang palaging nakasindi sa pagkapikon. Madaling uminit ang ulo nito. May mga nakapaskil sa GSIS: Ano'ng sub-species ng Kingdom Animales itong si Garcia?

Ito namang empleyado ng GSIS ay dating aktibista noong panahon ni Makoy. Hanggang ngayo'y dala-dala pa rin niya ang kanyang aktibismo sa trabaho.

At oo nga pala, isa sa mga anak niya ay taga-Mata.