Mad Love*
ni Nono Alfonso, S.J.

Mangyari lamang ay tumayo
ang mga nagmahal, minahal, at iniwan
ngunit hindi pa rin nagsawang magmahal
nang makita ng lahat ang yaman ng karanasan
ipamalas ang mga katotohanang nasaksihan
nang maging makahalugan
ang mga paghagulgol sa dilim.
          --Rico Abelardo (“Mangyari Lamang”)

Alas-8 ng gabi, Nobyembre, sa isang simbahan ng isang subdibisyon sa Makati. Samantalang isinasagawa ng mga “dating” alcoholic at drug addicts ang kanilang lingguhang AA meeting, nasa loob ng opisina ng Parokya ang ilan sa kanilang mga asawa at ka-pamilya para rin sa isang ALANON meeting. May mga bagong dayo ring katulad ko. Nakapalibot kamisa isang conference table. Mga 20 katao ang dumalo ng gabing iyon kaya nagsisiksikan kami sa maliit na opisina. Ang iba ay nakaupo na lang sa ilang mesa ng mga kompyuter. Karamihan sa grupo ay mga kababaihan. Mga apat lang kaming lalaki. Maliban sa isang matandang babae, karamihan ay mga 30 taong gulang hanggang kwarenta—mga yuppies. May mag-asawang Amerikano din sa grupo. Halos lahat ay nakapostura at mukhang may kaya. Marami sa kanila ay nanggaling lamang sa kanilang trabaho.

Bilang panimula, nagpakilala ang isang babae. Mababa at banayad ang kanyang boses at ikinukumpas niya ang kanyang mga kamay samntalang nagsasalita. Siya raw ang kumakatawang pinuno para sa buwang iyon. Hawak ang isang folder, binasa niya ang una sa 10 prinsipyo o mithiin ng pagtitipong iyon. Ipinasa niya ang folder sa katabi para sa ikalawang prinsipyo na ipinasa naman ng huli sa kanyang katabi. Nang matapos ang pagbasa ng mga adhikain, nilagom ito ng pinuno: “We are here because  we need our own support group. If our drug dependents have their own meetings, we also have ours. We are as much in pain as they are.

Binuksan niya uli ang folder at binasa ang isang maikling sanaysay ukol sa isang paksang pagninilayan ng gabing iyon. Umiikot ang sanaysay sa unang hakbang ng 12 hakbang ng AA: “We admitted we were powerless, that our lives have become unmanageable.

May ilang salita uli ang pinuno: “I suggest we reflect on our experience of power. We try to control our lives, even the lives of our drug dependents, but realize in the end that we have no power over them. We only have power over ourselves.” Pagkatapos ay inanyayahan niya ang sinumang handa na na magbahagi ng kanyang pagninilay-nilay o karanasan sa grupo.

Unang nagsalita ang dalaga sa aking kaliwa.

Hi, I’m ____. I’m a co-dependent.

Hi, ____,” sabay-sabay na tugon ng grupo na parang isang koro.

Magandang-maganda siya sa kanyang make-up at tumutunog ang mga bakal na pulseras sa kanyang braso kapag iginagalaw niya ito. Siya ang unang kumausap sa akin  kanina pagdating ko. Sinimulan niya ang kanyang pagbabahagi.

Kaninang umaga, habang sila’y nag-aalmusal, nag-away na naman sila ng kanyang ina. Pinagtalunan na naman nila ang kanyang kapatid na durugista. Ayon sa kanyang ina, hindi raw sapat ang pansin na ibinibigay niya sa kanyang kapatid.  Sinibukan niyang ipaliwanag dito na hindi dapat kinukunsinti ang kanyang kapatid, na kailangang matutunan nitong tumayo sa sariling paa.

“Ano’ng `tough love,’ ang pinagsasasabi mo. Wala ka lang talagang pakialam sa amin, porke ba may disente ka nang trabaho sa Makati…” at bumuhos na  ang litanya ng kanyang ina tungkol sa mga pagkukulang niya sa bahay.

Tinalikuran niya na lang ang kanyang ina, at nagkulong siya sa kuwarto. Pareho silang umiiyak. Sawang-sawa na siya sa ganitong mga eksena. Paulit-ulit. Hindi na sila magkaroon ng mapayapang pag-uusap. Palaging nauuwi sa mga sisihan, pangongonsensiya, tampuhan, away. Nasisikipan na siya sa bahay. Nadidiliman. Kahit ano’ng gawin niya, walang makitang mabuti sa kanya ang kanyang ina. Hindi sila mayaman, sinuwerte lang siyang makapagtapos at ngayo’y mataas na ang kanyang posisiyon sa isang kumpanya sa Makati. Dahil dito, nakakatulong siya sa mga gastusin ng pamilya. Subalit hindi pa rin ito sapat sa kanyang ina.

Binalikan niya sa isipan ang mga natutunan niya sa mga ALANON meetings. Co-dependent ang inay niya kaya ganoon siya. Naisip niya, wala akong kontrol sa kanya. Gustuhin ko man siyang magbago, hindi ko hawak ang buhay nito. Hawak ko lamang ang buhay ko. Inulit-ulit niya ito sa sarili na parang “mantra”. Nang tumigil na ang mga luha at panatag na ang kanyang kalooban, lumabas siya ng kuwarto. Pinuntahan niya ang kanyang ina sa kuwarto nito at tulad ng mga eksena noon, niyakap niya ito, humingi ng tawad, at sabay silang umiyak. Tanghali na siya nang makarating sa opisina.

I’ve learned to accept my mother for what she is. Minsan mahirap. But I cannot control her. I just try to make the best of our situation.

Tumingin siya sa kisame, pinagdaop ang kanyang mga palad at muling nagpatuloy sa waring nababasag na tinig: “As you already know, I am getting married next year. He, the lucky guy, used to be a drug addict. I  know every now and then, tumitikim pa rin siya. I love him but I’m not sure how we can turn out differently from what happened to my brother, my family. I’m scared, I’m afraid.” Sandali siyang tumigil, huminga nang malalim at nang mangusap muli, buo na naman ang kumpiyansa sa sarili. “But I place everything in God, my higher power…That’s all. Thanks for letting me share.”

Katahimikan. Hinagod sa balikat ng kanyang katabi ang nagbahagi. May mga nakayuko. May mga nakatingin sa kawalan.

Isang payat na babae sa harapan ko, sa kabila ng mesa, ang sumunod na nagsalita. Maamo ang kanyang mukha. Ngumiti muna siya at nagpakilala.

Hi, I’m______. I’m a co-dependent.

Hi,______,” tugon ng grupo.

My husband was a drug addict. He used to come to the AA meetings. Pero ngayon, hindi na. Parang tinatamad na siya. I’m afraid that he’s into it again. I would ask him, pero nagagalit siya. Hindi naman daw. But I have noticed the changes. Minsan he told me huwag na raw akong pumunta dito, maglakwatsa na lang daw ako kasama ng close friends ko. I try to catch myself. Baka ako lang ang may problema. Yung co-dependency ko. I’ve been trying to live my life, you know. I’m learning a lot from these meetings. I’m trying to be independent, try to do things my own. Pero, sometimes, mahirap.”

Sandali siyang tumigil. Nangingilid ang kanyang luha. “You know, it’s our anniversary today—tenth wedding anniversary. This morning, I woke him up. I waited for him to greet me on our anniversary. Pero wala.” May mga napaungol sa grupo. “At breakfast, he was leafing through the newspapers. I waited again. I thought baka he’s just acting. Baka he wants to surprise me sometime today, maybe tonight. But he left the house without remembering it. At around 10 this morning, I called him in his office. Kinumusta ko lang. He was surprised that I called. He still didn’t remember anything. I was getting restless. My friends invited me out, pero, I didn’t want to go out kasi baka umuwi siya o tumawag. Baka magalit siya na anniversary namin, wala ako. In the afternoon, at around three, I called him again. Pero wala pa rin siyang naalala. When he came home early this evening, wala naman siyang dalang wine or something. Mukha pa siyang pagod. I know, napaka-codependent ng actions ko. Waiting for him the whole day. Wasting the whole day of him. I’m really ashamed of myself.” May mga natawa sa grupo.

It’s all right,” sabi ng isa.

I couldn’t believe he forgot our anniversary…Finally, when we were having dinner, I looked at the clock. It was seven. I realized that I only have five hours. I have to celebrate. So I left him, and here I am, among friends.” May matamis na ngiting gumihit sa kanyang mga labi. “Well, that’s all, and thanks for letting me share. And those who want to eat afterwards…

Nagpalakpakan ang mga tao. May mga tumayo, lumapit sa babae, at nagbati., “Happy anniversary!” Hindi ko rin napigil ang aking sarili. Sumabay ako sa mga nakibati.

Parang lumiwanag ang silid. Halos karamihan ng mga naroon ay may ngiti sa labi. Ang ilang kaibigan ng babaeng kababahagi lamang ay nagbubulungan na ng mga plano nila para sa kanilang kaibigan pagkatapos ng meeting. Nang humupa na ang ingay, nagsalita naman ang isang babae sa aking kanan.

Hi, I’m_____. I’m a co-dependent.

Hi____________.

Inaalala ko kung saan ko siya nakita. Batch mate o school mate ko yata. May hawig siya kay Ina Raymundo. Mas maputi lamang. Hanggang baywang din ang kanyang buhok. Nakadekwatro siya sa kanyang pagkakaupo. Niyayakap niya ang kanyang sarili at paminsan-minsan ay hinahagod ng mga kamay ang kanyang mga balikat. Nang magsalita siya, garalgal ang kanyang tinig.

This will just be short. Last month, my husband and I finally separated. He has moved to the States. I don’t regret it, but it gets lonely at times. When I go to the malls, I see all the decorations. Sometimes I don’t want to go out anymore. I hate Christmas. My kids will be spending the holidays with my husband. That was our arrangement. So ako lang sa bahay. My parents naman and most of my siblings are also in the States. So I’ll really be spending Christmas alone in that big house—just me and my maid.” Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha. May nag-abot ng tissue paper mula sa kanyang likuran.

But she also asked me a week ago if she could go home to the province. So, any of you guys want to adopt me for Christmas?” Kumawala uli ang mga luha. At sa gitna ng mga hikbi: “Do you know where I can find a dog, just to keep me company,” Hindi na niya nakayanan ang matinding awa sa sarili. Yumuko siya at tahimik na umiyak. Inakbayan siya ng Amerikanang katabi. May nag-abot uli ng tissue paper. Napansin niyang naghihintay ang mga tao, nakatitig pa rin sa kanya. Kinalamay niya ang kanyang loob. “That’s all I wanted to share. Thank you.

Lumipas ang ilang sandali ng katahimikan. Nakatingin na lang sa kanyang paanan ang huling nagbahagi. May mga pasulyap-sulyap sa kanya. Meron ding mga nakapikit.

Maybe, we can have one or two more.

Pagkaraan ng ilang sandali, nagsalita uli ang pinuno.

Okay, I’ll share….Hi, I’m ______. I’m a co-dependent.

Hi_____.

I’ve been doing a lot of thinking lately. About my husband who was a drug addict. About myself, our family. About being powerless. About relying on my higher power, my God.” Piling-pili, tuloy-tuloy at tiyak ang kanyang mga salita. “I’ve tried to look back at my life, my experiences, the trials, the difficult as well as the happy times. I’ve realized that I cannot control life, or anyone. My life was one of always trying to be in control of things, of trying to be on top of everything. But I know now that it’s not possible. I can only let go, and trust in my higher power. Trust that he will take care of me. I feel like I am a piece of wood or a log in a river flowing here and there, sometimes rapidly, sometimes peacefully. I cannot go against the current. I can only go with it, flow with it. I can only let go. …Thanks for letting me share.

Tumingin siya sa kanyang relo. Alas nuwebe. Nang dumungaw ako sa labas, tapos na rin ang AA meeting. Iminungkahi ng pinuno na tapusin na namin ang pagpupulong. Nagpasalamat siya sa mga nagbahagi. Sana raw dumalo uli ang mga ito sa susunod na linggo. Nagpapaalam na ang bawat isa. May mga nagbalak kumain sa labas o kaya’y manood ng sine.

Pinagmasdan ko silang lumabas ng pinto. Nang ako na lang ang naiwan, binalikan ko sa aking isipan ang mga nangyari ng gabing iyon. Naiwan sa alaala ang mga mukha ng mga nagbahagi. At higit sa lahat ang kuwento ng kanilang pakikipagsapalaran sa makulay, magulo at mapaghamong mundo ng pag-ibig….

*pamagat ng pelikula nina Drew Barrymore at Chris O’Donell tungkol sa mapusok na pagmamahalan ng dalawang teen-ager.