Nagbabasa ka ba ng Diyaryo?

 

hatid sa inyo ng Oplan Sarbey ng Bagwisang Sulatin at Saliksikan

(Mon Sarmiento, Lexter Sze, Rhudz Raimundo, at iba pang kasapi ng bagwisan)

 

May mitong umaali-aligid sa kampus na mayorya ng mga estudyante ay hindi nagbabasa ng diyaryo. Kung nagbabasa man sila, iyon ay dahil sa required sa kung anumang klase nila. Iilan lamang diumano ang nagbabasa talaga ng diyaryo, at iilan rin lang kung gayon ang may pakialam. Kaya raw apatetiko ang Atenista

 

Gumawa ng isang impormal na survey ang Matanglawin upang makakuha ng ideya kung gaano karami ang mga Atenistang nagbabasa ng diyaryo, kung hindi man patunayan o pabulaanan ang ganitong mitong umaali-aligid sa kampus. Nakakalap kami ng 177 nasagutang talatanungan mula sa mga kapwa estudyante. Nais naming linawin na maaaring masalamin nang mabuti o hindi ng mga istakdisktikang ito ang tunay na disposisyon ng mga Atenista pagdating sa bagbabasa ng diyaryo. Heto ang iba pang mga istadistika.

 

Gaano nga ba kadalas magbasa ng diyaryo ang mga Atenista?

 

37% ang nagbabasa halos araw-araw, ngunit

42% naman ang nagbabasa dalawa hanggang limang beses sa isang linggo. mayroong

15% na nagbabasa isang beses lamang sa isang buwan, at sa kasawiang palad ay may

6% na hindi alam (o nagpapanggap na hindi alam) kung ano ang diyaryo.

 

*Tila pinaka-masigasig magbasa ng diyaryo ang mga taga-School of Humanities at School of Social Sciences. Pinakamataas na porsyento sa kanila ang nagbabasa ng diyaryo araw-araw, at nakapagkamal ng 44% at 40% sa ganoon ding pagkakasunud-sunod.

 

Bakit sila nagbabasa ng diyaryo?

 

ayon sa mga resulta,

59% sa sampol na na-sarbey ang nagbabasa dahil interesado raw sila

   sa mga nangyayari sa bansa, samantalang sumusunod naman ang

28% na nakasanayan nang magbasa. sumunod naman ang

23% na may malugod na sinusubaybayan sa diyaryo (mapa-pulitikal na kolum man o advice column).

8% lamang sa mga na-sarbey ang required magbasa ng diyaryo sa klase.

 

Anong bahagi ng diyaryo

ang binabasa nila?

 

dahil sa nasa harapan naman ang bahaging ito,

85% ang nagbabasa ng headlines, at sinusundan naman ito ng

69% na nagbabasa ng mga lifestyle and leisure na pahina o seksyon. kapuna-puna ring

56% ang mahilig magbasa ng komiks, at sumusunod ay sa isa pang pang aliw;

49% ang nag-aabang lagi ng sports.

 

Eh, mahalaga ba naman sa kanila ang mga

impormasyong napupulot nila mula dito?

 

3% lamang ang nangahas sabihin na hindi mahalaga sa kanila ang impormasyon sa diyaryo. may

7% namang hindi mapalagay (walang isinagot; kasama na dito ang mga hindi raw nagbabasa ng diyaryo).

alam ninyo na sa gayon kung gaano kalaki ngayon ang bilang ng mga Atenistang pinahahalagahan daw ang diyaryo (yay!).

 

Saan pa kumuhuha ng balita ang mga Atenista

bukod sa diyaryo?

 

Lumalabas na nangunguna bilang alternatibo sa diyaryo ang telebisyon, na tinatangkilik ng

80% sa mga na-sarbey na mag-aaral. sumusunod naman dito ang

46% na mag-aaral na nagtitiwala sa balitang salindila mula sa ibang tao. Sumusunod naman ang

35% na tinatangkilik naman ang isa pang mass media – ang radyo. Nagtamo naman ng

32% ang bagong media, ang internet.

 

Bukod sa Diyaryo, ano pa kayang ibang

peryodiko ang binabasa ng mga Atenista?

 

Nangunguna sa mga alternatibong publikasyon, na nagkamit ng

49% na tagatangkilik, ang mga news magazines tulad ng Newsbreak, Newsweek, Free Press, atbp.

47% naman, at hindi nalalayo sa una, ang mga fashion and lifestyle magazines.

Mababang bahagdan na ang nakamit ng iba pang publikasyon, tulad ng mga komiks, literary magazines, atbp.