Emanuel Lacaba
Salvaged Poems
ni Eric Maribojoc

Sa ating pang araw araw na pamumuhay dito sa ating pamantasan, mahirap, at bihira nating isipin kung ano ang kinabukasang sasapitin ng mga taong madalas nating makasalubong at makasalamuha sa ating buhay mag­-aaral. Sa unang tingin sa kanilang mga mukha, sa unang tunog ng kanilang mga pangalan, sa unang gunita sa mga alaala, makitid ang ating naiisip pawang pangkasalukuyang pagkakilala lamang sa tao ang sa ating isipa’y namamayani.

Ngunit mahiwaga ang tao, at di natin lubos na mauunawaan kung anong milagro at kinabukasan ang nasasalikod ng bawat mukha, pangalan, at alaala. Pawang uod na nakapinid ang bawat tao, handang lumabas lamang sa takdang panahon bilang paru-parong makadudulot ng kabutihan o kasamaan sa ating lipunan.

Si Eman Lacaba, noong bata pa siya, ay di naiiba sa atin. Pagkatapos ng mataas na paaralan sa Pasig Catholic College, nag aral siya rito sa Ateneo. Ilan sa mga guro niya sina Fr. Bonoan, ang ating dekano, at si Fr. Galdon na sa ngayo’y guro pa rin sa English Department. Iskolar si Eman at nanirahan siya sa Cervini Dormitory. Matalino siyang mag aaral at mahilig siya sa soccer at track and field. Madali para sa ating isaisip si Eman na nag aaral sa Rizal Library, nagsisimba sa kapilya, kumakaln sa cafeteria. Tulad din natin siya sa maraming paraan.

May kakaibang biyaya si Eman ang biyaya ng mga makata. Ang aklat na Salvaged Poems ay isang koleksiyon ng anyang mga tula pa noong mag-­aaral siya rito sa ating pamantasan. Ang bawat tula, sabi nila, ay anino ng kaluluwa ng makata. Kung gayon nga, isang buhay na talaarawan ng kanyang puso ang mga tula ni Eman, at kung babasahin natin itong mabuti, makikita natin ang pagbabago ng tao, ang pagtubo, ang pagsibol ng isipan at damdaming di natin matatakasan.

Ang kanyang mga unang tula ay puno ng mga imaheng pamilyar sa atin -

"A cafe outside the university

Sips us. It seems the dregs of argument

Prefer your car; only our silent

Selves flow through doors and cling to walls

Painted cream; two dim hours,

We are separate drops of thought…"

"Walking from the store outside the university,

You hug the loaf of bread; he juggles

Two cans of Portuguese sardines,

Talks of his dreams of living forever

In Europe. You recall another friend,

Prattling though the smoke of her first cigarette

Her infatuation with a fifty year old

Bachelor writer."

(The Lotus Eater)

Alitan. Tuwa. Pangarap. Buhay. Hindi nga rin ba ito ang nasasaatin ngayon? At slyempre, batang pag ibig:

"Ang sabi mo’y pula ang paborito mo,

Ang sabi ko’y puti ang paborito ko.

Kagabi nang tayong dalawa’y nagkita,

Nakapula ako at nakaputi ka."

(Kundiman)

Ngunit ang tao ay di nananatili sa loob ng kanyang sarili sa sarili niyang mga damdamin. Karanasan, at walang katapusang paghahanap sa tunay na sarili. Dumarating ang panahong slya’y nagtatanong­ - ukol sa kanyang kapaligiran, ukol sa kahulugan ng kanyang buhay sa harap ng buhay ng iba:

"A white limousine

In front of the squatter’s hut

Honks: "Who says we’re poor?"

(Haiku de Manila)

At ganoon na nga ang buhay ni Eman Lacaba. Mula sa pag aaral at pagsusulat, nasangkot siya sa magulo at masalimuot na mundo ng panlipunang pakikibaka at marami siyang sinalihang mga organisasyon at welga na namayani sa mga taon ng aktibismo ng 1970s.

Nakulong si Eman sumandali dahil sa kanyang pakikisangkot sa mga welga. Nang slya ay makalaya, idineklara na ang batas militar at siya’y nagtago sumandali. Ngunit ang kanyang makatang sarili ay di mapigil sa paghahanap ng mga paraan upang mabigyang hugis ang mga ideya at damdaming ngayo’y umaapaw sa kaluluwa ni Emang malayo na ang narating. Naging bahagi slya ng Philippine Educational Theatre Association (PETA), nagsulat siya ng mga dula, mga script para sa sine, mga kanta. Lumabas slya sa entablado, nagsulat siya ng mga tula sa mga magasin.

Ngunit ang tao ay di makinang kuntento lamang sa paglikha at pagtatrabaho. Ang kaluluwa ay nangangailangan ng direksiyon, ng layunin, kahulugan, nangangailangan ng pagtataya. Di tinakasan ni Eman ang tawag sa kanyang budhi, isang tawag na Iikha marahil ng kanyang mga karanasan sa mga welga, sa kanyang mga pagmumuni-­muni. Noong 1974, nagtunqo siya sa Mindanao at sumali sa NPA.

Walang lubos na makauunawa sa kanyang mga dahilan. Walang lubos na makahuhusga kung bakit.

"You want to know, companions of my youth.

How much has changed the wild but shy young

poet

Forever writing last poem after last poem;

You hear he’s dark as earth, barefoot,

A turban round his head, a bolo at his side,

His ballpen blown up to a long ­barreled gun:

Deeper still the struggling change inside."

(Open Letters to Filipino Artists I)

At tapos na ang siklo. Ang buhay ng tao ay parang isang hagdan; tayo ang lumilikha ng bawat baitang. Ganunman kay Eman. At ang hagdan ay patungo sa tinatawag nating sa dakong paroon na ating hanap.

"We are tribeless and all tribes are ours.

We are homeless and all homes are ours.

We are nameless and all names are ours.…

The road less traveled by we’ve taken

And that has made all the difference…

Here among workers and peasants our lost

Generation has found its true, its only home."

(Open Letter to Filipino Artists III)

llang buwan pagkatapos isulat ni Eman ang huling tulang ito, nadakip siya ng mga PC INP sa Davao at binaril siya ng kanyang kaibigan sa samahan, si Martin, na siyang nagtraydor sa kanya.

Buhay. Pagtataya.

Walang buhay kung walang pagtataya. Kung may pagtataya, dapat ihanda pati buhay. Si Eman ay may pagtataya, may tawag, nabuhay, namatay, at nabuhay namang muli sa kanyang mga salita.

Lahat tayo ay may kanya-kanyang tawag, kanya-kanyang kinabukasan. Iilan sa atin ang may tugon? Iilan sa atin ang may pagtataya?

"I heard my name called out, I thought,

crossing fields between

the spread out

fingernails of dormitories…

But it wasn’t my name I heard."

(The Call)