Mga Paring Rebelde
ni Boots Felixberto

Paring rebelde? Sa ating panahon ngayon, di na kaginsa ginsa ang makarinig ng mga balita tungkol sa mga paring rebelde bagamat tuwinang sinasabi na ang mga manggagawa ng Simbahan ay dapat nakikialam Iamang sa mga gawaing nakatakda para dito. Magbigay ng mga sakramento, magmisa, magkasal at sagutin ang mga pangangailangang espirituwal ng mga tao – ito ang kanilang trabaho. "Hayaan na sa mga pulitiko ang pulitika," wika nga. Ngunit hindi ganito ang pananaw ng ilang mga relihiyosong taga simbahan. Ayon sa kanila dapat silang kumilos tungo sa pagbabago at pagpapalaya ng lipunang kinabibilangan nila mula so mga mapang aping istrukturang sumisikil dito. Upang makamit ito, ang ilan ay pumiling sumanib sa mga lihim na kilusang laban sa pamahalaan. Sa pasyang ito, nilinaw nila ang kanilang mga dahilan at paninin­digan at konkretong kumilos ukol dito. Isa isahin natin sila.

Padre Conrado Balweg

"Kumander Primo," "Ka Dado," "Conde" at "Gabi" ang mga alyas na ginagamit ng rebeldeng paring si Conrado Balweg. Siya ang nagtataglay ngayon ng pinakamalaking patong sa kanyang ulo – halagang P 200,000 bilang gantimpala sa sinumang makadakip so kanya – patay o buhay.

Si P. Balweg ang pinuno ng New People’s Army (NPA) na lihim na kumikilos sa Hilagang Luzon. Ilan sa mga krimeng ipinararatang sa kanya ay ang pamumuno niya sa mga terorista sa pag aalaga ng taniman ng marijuana, na ang mga bunga ay ipinapapalit ng mga armas at bala. Tumulong din daw siya sa mga terorista sa pagpatay sa limang kasapi ng Pang 44 "Infantry Battalion" ng Hukbo ng Pilipinas noong ika-27 ng Pebrero 1980 sa Barangay Bangad, Tinglayan, Kalinga Apayao. Siya rin daw ay nagtulak sa ilang grupong etniko na sumalungat sa planong pagpapaunlad ng pamahalaan sa llog Chico. Nakisali rin daw siya sa pagdisarma sa mga pulis sa Sallapandan, Abra noong unang araw ng Pebrero, 1981 at naghatid ng 50 ripleng gawa sa Rusya na AK 50 at AK 47 mula sa Mt. Province patungong Abra noong Oktubre, 1991.

Ang Pambansang Sekretaryat ng Gawaing Panlipunan, Kalayaan at Kapayapaan ay nagbigay naman ng reaksyon ukol so mga artikulong nailathala kay P. Balweg: ang mga ito ay pagtatangkang sirain ang larawan niya bilang pari upang di­hayagang mataguriang "kaaway ng lipunan."

Ayon muli kay P. Balweg, pinili niya mimong sumapi sa NPA at tinitiyak niya na ang usapin dito ay hindi tungkol sa paniniwala ng isang tao sa Diyos. "Ang pangangailangang moral sa kasalukuyan ay kung paano maging tunay na Pilipino na nakikibaka para so pambansang kalayaan at demokrasya. "Ang Simbahan," dagdag nya, "ay hindi ligtas sa pangkalahatang panlipunang kaguluhan."

Padre Orlando Tizon

Si P. Orlando Tizon naman ay isa sa mga kinilala ni P. Kangleon (isa ring rebeldeng pari) na may kaugnayan sa kilusang paghihimagsik. Si P. Tizon ay dinakip noong ika-21 ng Setyembre, 1981 at hanggang ngayon ay nakakulong pa.

lbinunyag ni P. Tizon ang kanyong paninindigan ukol sa pambansaog kalayaan at tunay na demokrasya. Inihayag niya ang mga pang aabuso ng militar sa mga baryo ng Calbeja, sa mga magsasaka sa Gandora na dinadaya sa kanilang mga ani o pinapaalis sa kanilang mga lupa at sa mga mahihirap na mangingisda ng Maqueda Bay na nalulugi sa mga Hapong turista at malalaking negosyante. Sa maraming okasyon, nagsalita siya tungkol sa pangangailangang magkaisa ang mga tao at dalhin ang kolektibong responsibilidad ukol so kanilang kahihinatnan.

Nakasama niya si Edgar Jopson sa gawaing ito. "Ang usapin ay hindi tungkol sa pagpasok ng Komunismo – sa simbahan kundi ang nagaganap na paglabag sa mga karapatang dernokratiko; kung totoo na ang pampulitika at pang ekonomiyang kalayaan ay naibenta na sa mga banyaga. Ang usapin ay kung ang mga taga simbahan ay may karapatang tahakin ang mga problemang ito sa kanilang paglingkod," aniya.

Padre Edicio dela Torre, SVD

Si P. Edicio dela Torre ng Society of Divine Word ay hinuli noong 1974, so paratang na pakikipagsabwat sa pag aadyang maghimagsik at pag aari ng mga kasulatang subersibo.

Wala sa kahit anumang akusasyon kay P. dela Torre ang napatunayang totoo dahil ang mga ito ay hindi nalitis. Gayunpaman, nakulong pa rin siya sa panahong katumbas ng parusang nagkasala ng pakikipagsabwat upang maghimagsik.

Siya ay pinaratangan din ng pakikibahagi o pag uutos ng kahit ano mang marahas na kilos laban sa gobyerno. Siya rin ay inakusahang kalihim ng Communist Party of the Philippines sa Silangang Bisaya. Kasalukuyan, siya ay nahaharap pa sa akusang paghihimagsik. Ito ay nakasampa sa Court of First Instance sa lungsod ng Quezon. Noong siya’y pinalaya, siya lamang sa 18 nasasakdal (maliban sa isang nakatakas) ang nanatili sa pangangalaga ng militar.

Padre Romeo Intengan, S.J.

Si Padre Romeo "Archie" Intengan, S.J. ay dinakip noong 1980, pagkatapos ng isang rally na pag­protesta laban sa pandarayang naganap nang magwagi si Imelda Marcos at ang KBL sa halalaan para sa Batasan sa Kamaynilaan.

Pinaratangan si Padre Intengan na pinakarnataas na pinuno ng Nagkakaisang Partido Demokratiko­Sosyalista sa Pilipinas (NPDSP). Nagtago si Padre Intengan sa mga awtoridad. At patuloy siyang nagtatago. Naniniwala ang mararni na si Padre Intengan ay nangibang bayan.

Katangi tangi ang posisyon ni Padre Intengan dahil kinakalaban siya ng gobyerno, at kinakalaban rin ng mga komunista.

Marami pang iba

Si P. Edgardo Kangleon ay nahuli at umamin ng kanyang kaugnayan sa NPA sa Catbalogan, Samar. Iniharap niya ito kay Ministro Juan Ponce Enrile, sa ilang kinatawan ng Simbahan at sa madla. Siya ay dinakip noong Oktubre, 1982 at sa ngayon ay nakakulong.

Sina P. Vicente Pellobello, P. Francisco Fernandez at P. Sol Puentespina ay ang tatlong pinangalanan ni Obispo Antonio Fortich bilang mga rebeldeng pari. Ang tatlong ito ay hindi maaaring makaganap ng mga gawaing pampari maliban lamang kung matindi talaga ang pangangailangan. Idinagdag ni Fortich na ang mga paring ito ay hindi ayon sa Komunismo kundi humihingi lamang ng mga pagbabago.

Si P. Brian Gore ay isang Australyanong paring nagtrabaho bilang kura paroko sa probinsiya ng Negros Occidental. Si P. Gore ay naharap sa paratang na iligal na pagaari ng granada, paghihimagsik at pagpatay sa Alkalde ng Kabangkalan, Pablo Sola. Siya ay maaaring patalsikin mula sa bansa. Binigyang suporta naman ni Obispo Fortich si P. Gore samantalang may 3,500 magsasaka ang nagtanghal ng walang tigil na paglamay bilang pro­testa hanggang siya ay pinawalang-sala.

Iilan lamang ang lahat ng ito sa malaking bilang ng mga pari, mga madre at karaniwang manggagawa ng Simbahan Katoliko, kasama na rin ang mga taga ibang sekta na kap­wa dinakip at ikinulong. Marami ang patuloy pa ring nakikibaka para sa kanilang mga paninindigan.