Konberdyens
ni Paolo Arceo

Bakit nagsara ang SEC walkway? Bakit nagkaputol-putol ang mga punong matagal nang naging lilim para sa mga naglalampungang nag-iibigan, o upuan ng mga nagiisang nababagabag na nakatunganga sa kawalan, kasama ang mga tutubi at palaka? Nasaan na ang tamabayan at tutlugang sariwa ang hangin at malapit sa kalikasan? Saan nanggagaling ang mga pukpok at ingay na umiistorbo sa mga klase sa SEC? Kung wala kang ideya kung ano ang sagot sa mga katanungang ito, ito na ang sagot: ang PLDT Convergent Technologies Center.

Isa itong proyekto ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) upang makatulong sa Unibersidad para magkaroon ng karagdagang pasilidad at silid para sa mga klase ng iba't-ibang asignatura.

Itinatayo ito sa tabi ng Science Education Complex, sa dating soccer field sa tapat ng paradahan ng sasakyan. Maraming mga pagbabago ang nangyari sa lugar na ito, tulad ng pagtanggal sa mga punong matagal nang nakatayo dito, at paglipat ng walkway tungo sa likod ng SEC.

Bakit nga ba "convergence”?

Ayon kay Dr. Fabian Dayrit, dekano ng School of Science and Engineering, ang katagang ito ay tumutukoy sa pagsasanib ng "media", mensahe at teknolohiya na nagkataong "banner" din ng PLDT sa mga palatastas nito. Isa raw itong “goodwill" project ng nasabing kumpanya, na diumano'y makapagpapaganda ng imahen ng kumpanyang ito sa lipunan, lalu na sa mga Atenista. Tama nga naman: kalahati ng perang pampundar ay galing sa kanila, at ang sumunod na kalahati ay gailing naman sa iba't iba pang mga kumpanya, kung kaya walang ginastos ang administrasyon ng Ateneo sa mismong pagtayo ng gusali.

Sa unang sulyap, lumalabas na para lamang sa mga mag-aaral na kumukuha ng mga teknikal na kursong may relasyon sa agham at teknolohiya ang gusali. Mangyayari rin ba sa CTC ang nangyayari ngayon sa Faura at Schmitt Hall? Ano ang pakinabang ng CTC sa mga estudyanteng hindi teknikal tulad ng sa mga Humanidades at Panlipunang Agham?

Kontra sa mga haka-haka, hindi kasama ang paglipat ng School of Management (SOM) sa proyektong ito ng PLDT, ngunit maaaring gamitin ng SOM ang naturang gusali kung kakailanganin. Ang CTC ay mahahati sa dalawang magkakabit na gusali, na parehong paglalagyan ng 25-27 na silid-aralan, 3-4 dito ay paglalagyan ng mga computer facilities, tulad ng MIR lab at electrical engineering lab.

Mabuti ba Ito?

Isa nga ltong magandang programa, tutad ng nasabi ni Dr. Dayrit. Tunay ngang makakatutong ang proyekto sa pag-uniad ng teknolohiya pati na ang mga pasitidad ng Ateneo.

Mataki ang problema ng Ateneo sa mga pasilidad, taiu na sa kakuiangan ng sitid-aralan, kaya't mataking tutong ang dagdag na mga kompyuter at sild, para sa mga nahihirapang pumila sa library at SEC, at sa mga nagkakaroon ng klase sa High School. Mapauuniad rin ang pag-aaral sa siyensiya at teknolohiya dahil sa mga bagong pasiiidad. Wika nga ni "Jek", IMEco, "Mapapauniad nito ang technology (teknoiohiya) ng Ateneo", at maraming sumasang-ayon dito.

Mabuti nga, ngunit...

Marahil ay wala pa tayong nakikitang problema sa unang tingin. Donasyon nga ang pondo sa proyektong ito, ngunit sabi nga ni Dr. Dayrit: "...I guess it (maintenance cost) will come out of the tuition also (patagay ko ay lalabas rin ito sa matrikula)." Ang pangmahabaang pangangalaga sa mga pasilidad, at dagdag na mga empleyado para dito, ay sasagutin ng Ateneo. Maraming nagsasabing maliit naman ang kakaltasin sa budget kumpara sa ginastos ng mga donors. Ngunit, mailiit nga ba ito para ipagwalangbahala? Malaki ang posibilidad na manggagaling ang pondo para sa pangangalaga mula sa matrikula ng mga mag-aaral, na siyang maaaring maging dahilan ng pagtaas - ulit - ng matrikula. Sa opinyon ni Dr. Dayrit, kailangan ring magsakripisyo ng matrikula upang magkaroon ng balanse sa gastusin: "...basically what you want to do is match the operating expenses with some level of the tuition.”

Narito ang atokasyon ng pera para sa pangangalaga sa susuod na taon (di pa kasama ang CTC):

Pananatili

Alokasyon

a. Badyet para sa pananatili ng 670 na kompyuter

P1,397,000

b. Pagpapaayos at pananatili ng mga kagamitang audio-biswal

P32,000

c. Taunang bayad sa lisensya ng mga software

P812,000

d. Campus Network at Internet

P3,159,000

e. Pagpapaayos ng mga kagamitan sa opisina, furniture at maliliit na pagpapaganda

P1,500,000

 

TOTAL: P6,900,000

Pasweldo para sa mga:

 

a. Janitor

P7,363,152

b. Technician

P6,822,677

 

Total: P14,185,829

 

Suma Total: P21,058,829

Hindi natatapos ang gastusin sa pangangalaga ng mga pasilidad lamang. Kakailanganin rin ng dagdag na mga empleyado, tulad ng tagalinis at tagabantay ng mga pasilidad (nakalagay rin sa table). Ito ay karagdagang gastos para sa pamantasang Ateneo na maaaring dalhin ng mga mag-aarai. Mayroon tayong 33 janitor sa buong Loyola Schools. Lumalabas na 18,593 ang average na sweldo ng isang janitor sa isang buwan.

Mula sa 6,822,677 na anwal na badyet para sa sweldo ng mga technician, 33,444 ang inaasahang mapupunta sa bawat 17 na tagapangalaga, ngunit average lamang mga kinuwentang suweldo dahil iba-iba ang sweldo ng bawat tagalinis at tagapangalaga.

Sa mga kompyuter naman. Kung titingnan sa itaas, humigit-kumulang na 2,085 ang gagastahin sa pangangalaga ng mga kompyuter. Kung halimbawang magdadagdag sa CTC ng 40 kompyuter, aabot sa 83,402 ang karagdagang gastos sa pangangalaga ng mga kompyuter. Hindi pa nababanggit ang madalas pag-update ng mga software, na ayon kay Dr. Dayrit ay isang posibilidad.

Ayon sa isang pinagkuhanan ng impormasyon sa Office of Administrative Services, mayroon tayong 111 na silid na ginagamit. Nabibilang dito ang mga silid-aralan, silid-pulungan (conference rooms), silid-liksyunan (lecture halls), consultation rooms, laboratoryo para sa agham (pisika, biolohiya, kimika, zoolohiya, agham pangkapatigiran),teatro, studio, at silid para sa sining at musika. P1,820,000 ang itinatayang ilalaan sa pangangalaga ng mga silid sa buong Loyola Schools.

Ang isa pang isyung kailangang pagtuunan ng pansin ay ang kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa na hindi lamang nakaaapekto sa bagong manggagawa kundi sa lahat. Ang isa pang tanong na lumalabas ay tungkol sa isyu ng pagpasok ng mga produkto ng Microsoft, na siyang inaasahan ng ilang mga kurso, at ginagamit ng halos lahat ng estudiyante ng Ateneo. Hindi ba tayo maaaring maging self-sufficient sa sa ating teknolohiya? (Tingnan ang mga kaugnay na artikuto).

Pagmamasid pa rin ang kailangan

Mabuti ang layunin ng administrasyon ng Ateneo, PLDT, at iba pang mga donor sa pagpapaunlad ng pasilidad, nang sa gayon ay mapabuti ang edukasyon sa ating unibersidad. Ngunit, mula sa mga nabanggit na, lumalabas na maaari pa ring magsakripisyo ang administrasyon at mag-aaral ng Ateneo de Manila para sa gastusin. Kailangan nating antabayanan hindi lamang ang mga kabutihang maidudulot ng proyektong ito, kundi pati mga problemang maaaring lumabas mula dito - na baka hindi matupad ng proyekto ang kaniyang pangunahing layunin, at ang maaaring pagtaas ng matrikula mula dito. Hindi layunin ng artikulong ito na sirain ang imahen ng Convergence Center at ng mga nagtaguyod nito, bagkus ay nais nitong siguraduhin ang tagumpay para sa ikauunlad ng pamantasan.

Sa pangkatahatan, sana'y ang mga pagbabago - mula sa pag-alis sa mga puno, hanggang sa mga inaasahang sakripisyong pinansyal - ay magdulot ng pag-unlad ng edukasyon para sa Ateneo sa kabuuan.